Tuesday, September 25, 2007

VoiceMaster on Voice Acting as an Art and Career / AKSYON BALITA

VoiceMaster on Voice Acting as an Art and Career / AKSYON BALITA 
 

Conie Sison: Samantalang sadya naman nakatutuwa ang kakaibang talento sa panggagaya ng boses. Maliban dito, maaari din daw itong pagkakitaan. Alamin po natin ang karanasan ng isa nating kababayan,na naging dalubhasa sa ganitong larangan sa ulat ni Mr. Fu. 

P.G.: "Humanda ka sakin itong bagay sayo!", yung lolo nya biglang lumalabas "Sandali lang apo, mag-iingat ka. Hindi mo kaya ang mga kalaban natin." Eh biglang dumating yung mga monster, "Humanda kayo! Etong bagay sa inyo!" 

Mr. Fu: Ilan lang yan sa mga boses ni voice talent Pocholo Gonzales. Bata pa sya mahilig na syang manggaya ng boses ng iba, hanggang sa gawin na nya itong career. Eleven years na syang voice talent at hindi na mabilang na cartoons at radio plays ang kanyang nagawa. Ngayon may sarili na syang kumpanya, ang Creativoices. Na nagtuturo at nagbibigay ng rakets sa mga voice talents.  

P.G.: This is an art form na hindi napapansin for a longest time. Panahon pa ng mga Greek ginagawa na yung voice over. Di ba sa theatro may nag-vo-voice over? Hanggang sa dumating ang radyo, mga radio drama. Nakakalungkot nga lang hindi sila nakilala. At ngayon, yun ang ginagawa ng company ko.  

Mr. Fu: Pinakamabenta sila ngayon sa  pagbibigay ng mga pinoy na boses sa mga foreign cartoons tulad nito. 

(video shoot of one of the voice talents) 

Mr. Fu: Kinukuha rin sila sa mga radio ads o sa mga kampanya ng kandidato.  

(video shoot of one of the voice talents) 

Mr. Fu: Hindi pa rin nawawala ang kanilang mga radio plays. 

(video shoot of one of the voice talents) 

P.G.: Kung wala talaga sa puso mo yung ginagawa mo and your just thinking na trabaho lang 'to, maging bread and butter, kalimutan mo na yun. Para yang artist eh, di ba? Kahit hindi bumenta ang painting nya, magpe-paint pa rin yan, kasi yun ang kanyang expression ng kanyang art.  

Mr. Fu: Ito naman ang sample ng isang taong first time na magiging voice talent.  

(video shoot of Mr. Fu and VocieMaster) 

Mr. Fu: Para sa News watch, Aksyon Balita, ako si Mr. Fu.

No comments:

Post a Comment