G3 HERO TV
GMAN
Narrator: In this episode, ating buksan at silipin ang mundo ng mga dubbers. Lean something from them, sa mga experiences, techniques and styles. Pati na rin sa mga prinsipyo nila sa buhay. Alamin natin ang sikreto ng tagumpay ng ating piling piling Zeu.
Benjie Durango: Hi! Ako nga pala si Benjie Durango. Walong taon na akong dubber, isa sa pinakakilala na dinubb ko ay ang Meteor Garden, as Dao Ming Zi, Lovers in Paris, si Martin naman yun, sa Stained Glass si Jerry, pero actually nagsimula ako sa anime din eh.. Ang title naman nun yung Ticco and Friends, dun ako nagsimula talaga. Hindi ko inisip ang sarili ko na mapunta sa ganitong klaseng trabaho. Estudyante lang ako nun, kaga-graduate ko lang nung highschool, nagkaron ako ng lakas ng loob na mag-audition dito sa ABS-CBN, DZMM, radio drama artist. Eventually, dun na nabuksan yung dubbing sakin, telenovela na, uso pa ang telenovela nun, nun pa lang ang start ko. At pumasok na rin ang maraming cartoons nun. So dun ako nag-audition din kay Tito Dan, Danny Mandia. Nagustuhan naman niya ako, nagustuhan nya yung boses ko. Then tuloy-tuloy na yun hanggang ngayon.
Minsan kelangan mo munang bumilang ng isa hanggang dalawang episode muna bago mag-sink-in sayo yung character nya. Mga 3rd, 4th episode maiisip mo na, ay, ito pala ang character nya, ganito pala sya kalulit, or ganito pala sya magbato ng linya. Hanggang sa magtuloy-tuloy na, dumidikit na ng dumidikit ng husto yung boses mo sa kanya.
Narrator: Hindi rin papahuli ang bidang bidang dubbing director ng Inuysha. Walang iba kundi si Mr. Alex Agcaoili.
Alex Agcaoili: Ako po si Alex Agcaoili, ako po ay Dubber, Dubbing Supervisor at scrpitwriter or translator. Ang ilan sa mga proyekto na nagawa ko o nai-dub ko, in terms of dubbing, ako po si Sanisuki Sagara ng Samurai X, Doctor Speed ng Voltez 5, si Rafaga ng Magic Night Ray Earth. Bilang Supervisor po, bilang Director, I directed Inuyasha, Beast Wars, Cyberg 009, Fruits Basket, AM Driver at marami pa pong iba. Nagsimula ako bilang dubber nung 1994, when, well certain Danny Mandia, napanood ako sa CCP, and then he invited me na mag-audition sa proyekto nya, which is Remy. I got the minor part, and then the next project na ginawa nya, yung Julio't Julia, dun binigyan niya ako ng major role which is Martin Narcon at tsaka yung narrator nung programang yun. That started my dubbing career and then up to now dire-diretso yan. Mahalagang medium yung dubbing eh noh, wag nating kitilin, wag nating patayin yung kulturang pinoy in terms of dubbing. Napakalaki ng role na ginagampanan ng mga dubber.
Narrator: Alam nyo ba isa sa aktor sa theatro si Mr. Alex Agcaoili? Oo, kaya kung voice projection lang naman ang labanan, tiyak na hindi ka mabibigo sa kanya. Hmm, mukhang hindi basta-basta ang ating mga GMan for this episode. At hindi pa nagtatapos jan, meron pa! Sya ang tinatawag na VoiceMaster of Dubbing, a man with one voice but diffenrent characters. Kilalanin natin sya.
Pocholo Gonzales: Hi! Ako nga pala si Pocholo Gonzales, a.k.a. "The VocieMaster". Nagsimula ako sa voice over industry noong 1996, naging voice talent ako noon sa DZMM Awit Tawanan. Hanggang sa nagkarron kami ng sariling radio program, tapos yung first anime ko nun, na extra, tandang-tanda ko nun ang unang linya ko na wala nang nasundan, "Lisanin na natin ang dagat ngayon," may tono pa ako nun, "Lisanin na natin ang dagat ngayon." Pero ang nagbigay talaga ng opportunity to enter the dubbing industry, si Danny Mandia. Ang dinubb namin noon yung Remy, ako yung si Ricardo dun, isang bata. So hanggang sa nagtuluy-tuloy na.
Narrator: Di lang dubbing ang pinagkakaabalahan ng ating ikatlong Zeu. He was and still is a Youth advocate sa ating bansa. Malayo na rin ang narating ng ating bida pagdating sa career at lugar. Itinayo ni Mr. Gonzales ang Creativoices Productions, a acompany that teaches a young and old who aspires to be dubbers. Oh, di ba, kahit ikaw pwede ka ng maging isang dubber. Sa mga nangangarap dyan na maging katulad nila. Ito ang mensahe nila para sa inyo.
Benjie Durango: Para sa mga gustong maging dubber din na katulad ko, i-search nyo yung sarili nyo. Pag nalaman nyo sa sarili nyo na parang kaya ko 'to, parang malakas ang loob ko at parang nararamdaman kong may talento ako, mag-audition kayo.
Alex Agcaoili: Lahat naman may karapatang mag-dub, ultimo from bata hanggang matanda meron, kaya nating mag-dub. Lakas lang ng loob at yung hiya itabi muna natin yun.
Pocholo Gonzales: 'Wag nyong isipin na ang pagboboses ay trabaho, although trabaho talaga sya pero secondary.Dapat ang mind set, treat it as an art.
Narrator: Oh, ayan ha, narinig nyo na mula sa kanila. Kaya kung pangarap mong maging katulad nila, disiplina, galing at bilib sa sarili lang ang kailangan mo para matupad ang mga pangarap mo.
Benjie Durango: Ako nga pala si Apo Jukay, oh kayo jang mga bata ha, kayo jan, lagi kayong manonood ng Hero TV, dahil sa Hero TV kayo ang bida.
Pocholo Gonzales: Big brother, ako nga pala si Kabo ng Nagima, magandang araw sa inyo ha! Lagi kayong manood ng HeroTV, dahil sa Hero TV kayo ang bida.
Alex Agcaoili: Ako si Sanisuki Sagara, ito lang ang masasabi ko sa inyo, manood lagi kayo nh Hero, dahil sa Hero TV kayo ang bida.
Narrator: We've giving you what you really wanna know from the Grand Ozine Fest '07. Your favorite dubbers and their noble profession, the free chasle, swirling zuma, and a lot more of your favorite casual pc games. Join us next time on your weekly techi habit. Hero TV's GQ.
gusto ko mag dub sa hero TV pano ba mag audition? :D
ReplyDelete