Kabuhayang Swak na Swak 
 
Creativoices Productions 
 
(Intro:) 
Ms. Amy P.: kung kayo ay may talento,  hindi nyo dapat ito itago. Gaya na lang ng may ari ng Creativoives.  Mula sakanyang talento't magandang boses, naisipan    nyang magtayo ng  ganitong negosyo. 
(Boss na po!) 
Ms. Amy P.: Sila ang mga boses na nasa  likod ng ating mga kinagigiliwang telenovela o anime. Sila rin ang ating  nga hinahangaang radio drama talents. Ang tawag sa   kanila, mga dubbers  o voice over talents. Pero alam nyo ba na may pera sa boses. Eto ang  napatunayan ni Pocholo Gonzales ng Creativoices. Nagsimula   bilang voice  over talent at dubber si Pocholo noon. 
(Recording Shot)Mr. P.G. : knock-down ang peste ng palayan......
Ms. Amy P.: Ngayon sya na ang big boss  ng Creativoices. 
P.G.: Matagal na akong voice talent, mahigit sampung taon na akong ng-re-recording bilang isang radio drama talent.
            bilang isang commercial voice-over, nakita ko  yung potensyal ng voice-over market, dahil dito sa pilipinas medyo hindi  napapansin kasi yung mga voice   talent eh..pero sa totoo lang ang voice  acting, isa sa pinaka-unang industriya,, wala pa yang tv may voice over  na. 
Ms. Amy P.: Matapos ang mahigit sampung taong karanasan sa industriya,, naisipan niyang magtayo ng sarili niyang negosyo.
            Isang recording studio para sa mga voice over  talent at dubber na kagaya nya. 
P.G.:  ang mahirap kasi sa aming mga voice  talent, umaasa lang kami, we just wait and we dont create. Now, sabi  ko, bakit hindi ako mg-create and.. mag-   create ng demand, mag-create  ng project para sa mga kapwa ko voice artist. 
Ms. Amy P.: Basta't pagdating sa usapang  pagboboses, lahat pwedeng gawin ng Creativoices, mula sa pag-vo-voice  over ng mga commercials, sa mga radio drama,   pag-da-dub ng mga anime  o cartoons at telenovela.  
P.G.:  Dito sa pilipinas, sumusunod kami  sa tinatawag na standard, ang isang voice-over ay 15 to 30 thousand.  'Pag sinabi mong voice-over, sya yung boses ng   partikular na produkto.  ang character voicing naman yun yung mga character, kunwari "uy,  bumili ka na ng bagong produkto namin", ganun. Mga  eight   thousand  yung  character, fifteen thousand naman sa voice over. 
 
B.L.:  Vocie acting is not like that, noh?.  kelangan meron kang emotions, may skills, may techniques, may arts kang  natututunan para mai-deliver mo ng tama   yung mesage. Pinag-aralan naming  mabuti yan ni ah.. Mr. Pocholo Gonzales through decades of our attaining  and industry training namin, so yung mga   natutunan namin sa industriya,  in-apply namin sa trabaho namin ngayon. Pinakapundasyon ng aming kumpanya  ay ang mga talent, karaniwan ang    nangyayari sa mga talent nandyan yung  nararamdaman nilang hindi sila nababayaran sa oras, nandyan yung nararamdaman  nilang hindi sila sinisipot sa   oras ng kausap nila. So yun yung binabago  namin, pino-professionalize namin yung industriya, sabi namin sa kanila,  ang kailangan niyo, representation,   kumpanya, noh? na magbibigay ng  proper billing, magbibigay ng proper contracts and documents, so dun  ako papasok bilang marketing manager nito. 
Ms. Amy P.: Kaya't ang payo nya sa mga voice talents, kailangang mahalin at pagyamanin ang inyong mga talento.
No comments:
Post a Comment