Thursday, September 20, 2007

Kabuhayang Swak na Swak

Kabuhayang Swak na Swak 

Creativoices Productions 

(Intro:) 

Ms. Amy P.: kung kayo ay may talento, hindi nyo dapat ito itago. Gaya na lang ng may ari ng Creativoives. Mula sakanyang talento't magandang boses, naisipan    nyang magtayo ng ganitong negosyo. 

(Boss na po!) 

Ms. Amy P.: Sila ang mga boses na nasa likod ng ating mga kinagigiliwang telenovela o anime. Sila rin ang ating nga hinahangaang radio drama talents. Ang tawag sa   kanila, mga dubbers o voice over talents. Pero alam nyo ba na may pera sa boses. Eto ang napatunayan ni Pocholo Gonzales ng Creativoices. Nagsimula   bilang voice over talent at dubber si Pocholo noon. 

(Recording Shot)Mr. P.G. : knock-down ang peste ng palayan......

Ms. Amy P.: Ngayon sya na ang big boss ng Creativoices. 

P.G.:  Matagal na akong voice talent, mahigit sampung taon na akong ng-re-recording bilang isang radio drama talent.

            bilang isang commercial voice-over, nakita ko yung potensyal ng voice-over market, dahil dito sa pilipinas medyo hindi napapansin kasi yung mga voice   talent eh..pero sa totoo lang ang voice acting, isa sa pinaka-unang industriya,, wala pa yang tv may voice over na. 

Ms. Amy P.: Matapos ang mahigit sampung taong karanasan sa industriya,, naisipan niyang magtayo ng sarili niyang negosyo.

            Isang recording studio para sa mga voice over talent at dubber na kagaya nya. 

P.G.:  ang mahirap kasi sa aming mga voice talent, umaasa lang kami, we just wait and we dont create. Now, sabi ko, bakit hindi ako mg-create and.. mag-   create ng demand, mag-create ng project para sa mga kapwa ko voice artist. 

Ms. Amy P.: Basta't pagdating sa usapang pagboboses, lahat pwedeng gawin ng Creativoices, mula sa pag-vo-voice over ng mga commercials, sa mga radio drama,   pag-da-dub ng mga anime o cartoons at telenovela.  

P.G.:  Dito sa pilipinas, sumusunod kami sa tinatawag na standard, ang isang voice-over ay 15 to 30 thousand. 'Pag sinabi mong voice-over, sya yung boses ng   partikular na produkto. ang character voicing naman yun yung mga character, kunwari "uy, bumili ka na ng bagong produkto namin", ganun. Mga  eight   thousand yung  character, fifteen thousand naman sa voice over. 

B.L.:  Vocie acting is not like that, noh?. kelangan meron kang emotions, may skills, may techniques, may arts kang natututunan para mai-deliver mo ng tama   yung mesage. Pinag-aralan naming mabuti yan ni ah.. Mr. Pocholo Gonzales through decades of our attaining and industry training namin, so yung mga   natutunan namin sa industriya, in-apply namin sa trabaho namin ngayon. Pinakapundasyon ng aming kumpanya ay ang mga talent, karaniwan ang    nangyayari sa mga talent nandyan yung nararamdaman nilang hindi sila nababayaran sa oras, nandyan yung nararamdaman nilang hindi sila sinisipot sa   oras ng kausap nila. So yun yung binabago namin, pino-professionalize namin yung industriya, sabi namin sa kanila, ang kailangan niyo, representation,   kumpanya, noh? na magbibigay ng proper billing, magbibigay ng proper contracts and documents, so dun ako papasok bilang marketing manager nito. 

Ms. Amy P.: Kaya't ang payo nya sa mga voice talents, kailangang mahalin at pagyamanin ang inyong mga talento.

No comments:

Post a Comment