Personality Development Seminar, matagumpay na naisagawa
Isang personality development seminar sa pangangasiwa ng Human Resource and Development Department (HRMD) ang ginanap sa Anahaw Island View Resort noong ika ¬– 16 ng Enero.
Ang nasabing hasik-diwa ay dinaluhan ng mga hepe ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan. Tinalakay sa nasabing gawain ang pamamaraan upang higit na maging epektibo ang pagkakaroon ng isang healthy working environment sa loob ng city government. Ayon sa mga tumayong speakers na sina Mr. Ian Barcelon, Mr. Lloyd Luna at Mr. Pocholo Gonzales mula sa AIB training, events and communications, nararapat lamang na ma-engganyo ng husto ng mga hepe ang bawat kawani na makapag-trabaho ng episyente at maayos. Dagdag pa nila, mahalaga na maging mabubuting ehemplo lalo na pagdating sa usapin ng work ethics. Mahalaga din na malinang ang kakayanan at potensyal ng bawat empleyado.
Bukod dito, nagkaroon din ng mas malalim na analisasyon hinggil sa pagpapayaman sa sarili. Ayon pa sa kanila, improtante na magsimula ang pagbabago mula sa kanya-kanyang sarili. Kinakailangan harapin ang katotohanan at matutong labanan ang mga kinatatakutan. Hindi hadlang para sa isang indibidwal ang maging matagumpay kailangan lamang na malinaw kung ano ang ninanais sa kinabukasan.
Naging positibo naman ang komento ng mga dumalo hingil sa mga ibinahagi ng mga speakers. Anila, marami ang kanilang napulot at natutunan mula sa mga nagsalita na nagtagumpay rin sa mga piniling propesyon. Isang mahalagang aral ay matutong maibahagi sa iba ang kwento at biyaya.
Ayon kay Dr. Rene Colocar, hepe ng HRMD, ito ay unang bahagi pa lamang ng kanilang programa ng pangangasiwa para makapagbigay ng mga makabuluhang seminar sa taong 2009. Aniya, may mga naka-linya ng aktibidades kung saan partisipante naman ang mga rank and file employees sa mga darating na buwan.
No comments:
Post a Comment