Tuesday, January 6, 2009

Ang pelikulang Dayo: Sa Mundo ng Elementalia ng Cutting Edge Productions ang first full-length animated film na nakasali sa 34-year history ng MMFF.

Allan Diones - Abante Tonite
http://www.abante-tonite.com/issue/d...ment_allan.htm
Ang pelikulang Dayo: Sa Mundo ng Elementalia ng Cutting Edge Productions ang first full-length animated film na nakasali sa 34-year history ng MMFF.

Bida sa kuwento nito ang 11-anyos na batang si Bubuy (boses ni Nash Aguas) na madalas i-bully ng mayayabang na bata sa eskuwelahan.

Ulila na si Bubuy at lumaki siya sa kanyang Lolo Meong (boses ni Noel Trinidad ) at Lola Nita (boses ni Nova Villa).

Isang gabing nagpunta siya sa gubat ay kinuha ng mga buhay na halaman ang lola't lola ni Bubuy at dinala sa ilalim ng lupa.

Nagpasya si Bubuy na hanapin at iligtas ang kanyang mahal na lolo't lola.
Sa tulong ng mabait na batang manananggal na si Anna (boses ni Katrina 'Hopia' Legaspi) ay pinasok niya ang mahiwagang daigdig ng Elementalia.

Mga bata ang target audience ng Dayo at nagpapalakpakan ang mga tsikiting sa maraming eksena nu'ng premiere night ng pelikula sa SM Megamall.

Pinoy na Pinoy ang mga karakter sa istorya dahil galing ito sa ating sariling folklore at mythology.

Nakakatuwa ang cute na 'manananggirl' na si Anna na pa-tweetums magsalita at Taglish ang mga dayalog. Hindi siya kumakain ng tao dahil vegetarian daw siya.
Tinulungan niya si Bubuy basta't tulungan muna siya nitong hanapin ang kalahating katawan niya.

Natupad ang pangarap ni Bubuy na makalipad nang tangayin siya sa ere ng may pakpak na si Anna.

Palakpakan ang mga bagets nang marinig ang theme song ng movie na Lipad (na inawit ni Lea Salonga) habang nasa alapaap ang magkaibigang Bubuy at Anna.

Aliw ang audience sa mali-maling yaya ni Anna na si Vicky (boses ni Pokwang) na isang pangit na manananggal at sa mga kaibigan nitong aswang din na sina Toti (boses ni Pocholo Gonzales na ala-Mike Enriquez) at Jo (boses ni Gabe Mercado).

Si Mang Nano (boses ni Peque Gallaga) ang matandang manggagamot na parang si Yoda na hiningan nila ng tulong.

Ang ama ni Anna na si Carpio (boses ni Johnny Delgado) ay punong manananggol ng Elementalia Portal Authority.

Kwela ang banidosong tikbalang na si Narsi (boses ni Michael V) na naging kakampi nina Bubuy at Anna at sinakyan nila sa paglalakbay sa Elementalia.
Very Bitoy ang mga pa-cool na hirit ni Narsi tulad ng, "Rock on, bro!" at "Whatever, dude!" na klik na klik sa mga bagets.

Adventure ang paghahanap ni Bubuy ng mga sangkap ng 'alikupoy' na magtatanggal ng sumpa sa kanyang lolo't lola at pupuksa sa halimaw ng Elementalia.

Palakpakan ang audience sa mabait na babaeng kapre (kaboses ni Dulce) na Bisaya kung magsalita.

Pasok din ang mga casual plugs gaya ng Enchanted Kingdom, Mister Donuts, Frootees, atbp., na animated din kaya cute ang dating.

Kahit boses lang ng child actor na si Nash Aguas ang maririnig mo rito ay ang galing-galing ng bagets sa pagbibigay-buhay sa bidang si Bubuy.
May mensahe tungkol sa pangangalaga sa kalikasan ang pelikula. Hindi DreamWorks o Pixar-quality ang animation ng Dayo, at hindi rin ito kasimpulido ng Urduja ng APT Entertainment, pero magugustuhan ito ng bata lalo na ngayong holiday season.

1 comment:

  1. The writer clearly did not research. 1997's Adarna was the 1st full length animated film.in the MMFF

    ReplyDelete