Dayo: Pinoy Animation
Posted by: hitokirihoshi | Disyembre 23, 2008Noon pa ay mahilig na ako sa cartoons o anime dahil dito ako nakakakita ng mga kagila-gilalas na pangyayari at pambihirang mga karakter na paniwalang-paniwala ako. Posibleng magaya ng mga totoong tao ang pagkakagawa ng mga eksena at ayos sa mga ito pero mahirap pantayan ang naiibang fantasy na naihahatid ng mga ‘yan.
Noon pa rin, alam ko na rin na maraming Pinoy ang mahuhusay sa pag-drawing at graphics. Ano pa’t ilang impormasyon ang aking nabasa na nagsasabing ang ilang sikat na Hollywood cartoon films na ating napapanood sa sinehan ay sa Pilipinas ginawa. Nga pala naaalala ko na napanood ko pa noon ang ”Ang Panday: the cartoons series.”
Anyway, happy naman ako ngayon taon dahil muling sinusubukan ng mga Pinoy ang animation. Unang naipalabas ang “Urduja” at nitong December 25 naman ay itatampok sa mga sinehan ang “DAYO sa mundo ng Elementalia.” Ito ay isinulat ni Temi Abad at Eric Cabahug, sa direksyon ni Robert Quilao at produced ng Cutting Edge Productions.
Actually, yung interes ko sa mismong istorya ay hindi ganun pa kalalim pero interesado ako manood. Gusto kong personal na ma-experience ang sinasabi nilang first time ever para sa isang pelikulang Pinoy ang paggamit ng full dolby 7.1 surround sound.
Dagdag pa riyan ang impormasyon na may 500 Pinoy artist ang nagtrabaho para mabuo ang mga drawing sa pelikula. Yes po, tinatawag nilang “tradigital animation” ang Dayo dahil ang mga drawing doon ay iginuhit ng manu-mano direkta sa computer screen or PC tablet. Eh ako, mas gusto ko ang anime na gawa sa drawing dahil para sa akin mas magaling yon at mas may buhay. ang sabi 129, 600 frames na drawing ang kanilang nagawa.
(Sa kabuuan, ginamit sa Dayo ang pinagsamang 2D (para sa ilustrasyon ng mga tauhan) at 3D animation (para naman sa imahe ng background), Macintosh at Linux platforms ng Toon Boom.)
Alam n’yo bang isa sa pangarap ko ang makapag-dub ng isang anime. Na-try ko siya once nung um-attend kami ni Syngkit sa isang anime convention sa mega mall at ang saya-saya ko. Dito sa films, sina Nash Aguas at Katrina “hopia” Legaspi ang pinakatampok na boses since sila rin ang gaganap na mga pangunahing bida. Bukod sa kanila, aabangan ko siempre sina Bitoy at Moymoy Palaboy.
Ayon sa isang interview kina Moymoy at Roadfil tig-sampung karakter sila sa pelikula. Wala pa roon iyong kanta nila sa soundtrack ha, iyong “Kapit.” O nga pala nandito rin si direk Peque Gallaga (director ng isa sa mga paborito kong pelikula na “Magic Temple”) na mag-aala Jun Urbano raw.
Sabi naman ni Pocholo Gonzales (famous voice dubber and voice director), ang Dayo ay hindi dubbing kundi pre recording or voice recording. Magkaiba raw ang dubbing sa anime kaysa sa ginawa sa pelikula dahil yung sa anime sasabayan nila ng boses ang buka ng bibig ng mga anime characters. Sa Dayo, nag-voice recording muna sila bago i-animate ng mga animators yung mga drawing. Kaya naman po mas mahirap ang ginawa sa Dayo. (Oh di ba, inalam ko raw talaga.) hindi ko lang ma-imagine kung ilang butil ng pawis ang lumabas sa mga crew dahil kanya-kanyang araw daw ng pagbo-voice recording ang mga artista.
Gusto ko rin ang rock version ng bandang Roots of Nature sa “Lipad” na inspirational & theme song ng movie . Iyong isang version ng kanta ay inawit ng aking paboritong Filipina artist na si Lea Salonga with FILharmonika Orchestra pa ‘yon.
Hard sell ba, wala lang gusto ko lang sana suportahan ang effort ng mga Pinoy na makagawa ng sarili nating animation. PinoyA! Yeah!
No comments:
Post a Comment