Tuesday, January 26, 2010

YouTube - K-NOW Ep 21_lowres.mp4

YouTube - K-NOW Ep 21_lowres.mp4

K-NOW Ep 21_lowres.mp4

K-NOW Ep 21_lowres.mp4

You asked for it: Break Into ANIMATION

You asked for it: Break Into ANIMATION

Sign up for the "Break Into Animation" Teleseminar
Our Break Into Animation Teleseminar Part I on This Wednesday 1/27- 6 pm PST/ 9 pm EST is the first CARTOON Q & A that's CUSTOMIZED for YOU.

With us, our special guest and current cartoon series regular Richard
Horvitz gives detailed, no-BS insider answers to as many of your
questions as we can tackle in 90 minutes.
[we promise a Part II...]

Exactly and only the Animation Voice Over info that YOU WANT TO KNOW.

Beware: some unpopular realities (better ya know now).  
Behold: lots of encouraging truths!
 
Some of the great questions we'll be answering:

I do a lot of funny voices, shouldn't I be doing animation??

Are there really only 10 people who do every animation job out there?  I'm really good, so how can I break in??

Do I still need an agent?  An animation demo?  Improv comedy or acting classes?  An interesting voice???

How do I get cast in the next Pixar film when celebrities take all the roles?

Seriously, how much money is there in animation?

This animation thing seems like a tough nut to crack, so tell me the
action steps I can take NOW to get my animation career going!

If you have a question about animation you want Richard to answer, email it ASAP to info@breakintovoiceover.com.

Sign up HERE
$49 buys an attendance slot on the teleseminar PLUS
an MP3 of the call.

More About Special Guest Richard Horvitz
Richard
Horvitz is a voice over veteran with more than 20 years' experience. He
is recognized for his work in animation and video games, most notably
as the voice of Invader Zim on Nickelodeon.  Other roles include Billy on The Grim Adventures of Billy and Mandy, Daggett on Nickelodeon's Angry Beavers, Rodney J. Squirrel on Squirrel Boy on Cartoon Network, and hundreds of other animated voices.  

In addition to voice acting, Richard also enjoys a successful on-camera
career.  This past year, Richard co-starred in the Stephen Soderbergh
film The Informant! playing Matt Damon's Attorney, plus many often remember Richard as the nerdy Alan Eakian in the classic Carl Reiner film Summer School.
  Richard also works in sketch comedy alongside comic legend Fred
Willard.  Together they perform with Fred's sketch comedy group all
over the country and appeared several times on Jimmy Kimmel Live.  

Richard began teaching voice over ten years ago after many agents and
teachers referred students to him for private coaching.  This has led
to teaching privately as well as weekend seminars in Los Angeles and
all over the country.

Friday, January 22, 2010

Ang Kasaysayan ng MARIVELES

Ang Kasaysayan ng MARIVELES

Maraming haka-haka at alamat ang nasulat kung papaanong ang oangalan ng baying “MARIVELES” ay nagsimula at ang ilan ditto ay nabanggit sa isang babasahin. “The Philippines Islands” na sinulat ni Foreman, at sa Heograpiya ng lalawigan ng Bataan, na sinulat ni Eulogio Rodgrigues Sr. Ngunit ang palaging nababanggit ay ang tungkol sa pinagsama at pinaikling salita na “Maraming Dilis”. And “dilis” ay isang uri ng maliit na isda na sang-ayon sa mga matatanda ay napakarami daw noong araw sa dagat ng Mariveles. Ang “Maraming Dilis” ay pinaigsi sa “Maradilis”, nagging “Marabeles” at sa ngayon nga ay Mariveles.“

Ngunit ang bantog na alamat ay nagpasalin-salin na sa angkan at angkan, simula pa noong unang panahon ay ang tungkol daw sa isang magkasintahan na pinagkasunduang maging tipanan ang baying ito upang sila ay makaalis sa Pilipinas patungong Mexico sa pamamagitan ng isang galleon (sasakyang-dagat na may layag) at doon sila nanirahan. Ang magandang dilag dawn a anak ng Mexicano ay nagngangalang “MARIA VELES” at ang kanyang kasintahang isang may kaya na magandang lalaking Pilipino, ay hindi daw nagtagumpay sa isang balak, kaya kapwa sila nabigo sa pag-ibig at dahil ditto ay minabuti pa ng dalaga na magmongha, at ang bunata naman ay nagpari. At simula noon ay pinaikli at pinagsamang pangalan ng magandang dilag na “MARIA VELES” ang nagging taguri sa baying ito.

MGA HALAW NA KAALAMAN TUNGKOL SA BAYAN

Bago nalikaha ang lalawigan ng Bataan, ang bayan ng Mariveles ay isang malaking bahagi ng “COROGIMIENTO DE MARIVELES”, na binubuo ng bayan ng Bagac, Moron, Maragondon, at ang pulo ng Corregidor. Ang naturang bayan ng  Mariveles ay nagging bahagi ng lalawigan ng bataan sa ilalim ng “REAL dedula superior decreto” noong 1654, sa ilalim ng pamamahala ng Gobernador General Pedro Manuel Arandia, sa “DATOS FACILITADOS POR EL PRESEIDENTE MUNINCIPAL A LA SECRETARIA EJECUTIVA” NOONG Agosto 21, 1811 ay isinasaad na ang mga unang mamamayan sa Mariveles ay  naninirahan sa isang pook na kung tawagin ay “SAMIENTO” at ditto sila sumasamba sa anito sa isang balong mayroong mainit at kumukuliong tubig. Nag dumating ang unang misyonaryo ay binago ang paniniwala ng mga naniniahang tao dito at sila ay GINAGAWANG Kristiyano.

Ang bayang Mariveles ay nakilala sa pangalang ngayo n ng CAMAYA sakop ng “Corregemiento ng Mariveles”. Ito ay nagsilbing puntod-bantayan sa mga sasakyang dagat na pumapasok at umaalis sa look ng maynila. At noong panahong ika-labing anim na siglo, ang pinaratang Instik na si Limahong ay nabanggit na dumaong daw sa sitio ng Lusong, na sa ngayon ay mas kilala sa tawag na “White Beach”. At noong taong 1812, ang malaking loomk ng dagat Mariveles ay nagging isang pook ng mabangis na digmaang dagat ng Kastila at Hondales, at sa labanang ito ay nagwagi ang mga Kastila. At naulit ang labanan sa dagat noong taong 1846 at ang nagging bunga ay katulad din ng dati.

Ang mga kastila noong mga panahong iyon ay ginawang isang “liprosarium” ang ngayon  ay kinalalagyan ng Mental Hospital at pinangalanan itong “LAZARETO”. Ang mga may ketong ay ditto ginagamot ng tubig s BAlong Anito na noon ay pinangalanan ng “Agua Santa”. Dahil sa mabisang nakakagamot ang tubig na ito.

ANG MARIVELS  SA PANAHO NG DIGMAAN:

Noong 1896 ang unang kilusan sa paghihimagsik laban sa Kastiula ay sinimulan ng isang taong nagngangalang  FRANSICO DINGLAS na may taguring si “Walang Sugat,” kasama si SANTIAGO BARCASE ng ngayong ng Cabcaben. At sa mga unang araw ng 1897 si FLORENTINO LLAGAS  ay gumawa din ng isang kilusang pangjhimagsikan sa nayin ng Sisiman ( ngayon ay lugar ng Quarrying and Milling Division), ngunit ang kilusang ito ay hindi nagtagal at medaling nasugpo. At nagn magtatapos na ang taong 1897, ay nagkaroon na naman ng isang kilusan at ito ay binalak ng isang pangkat ng mga taga Kawit, Cavite na sina COSME VIDA, ANASTACIO VIDA  at AGAPITO TIRONA.  Ang pakikipagugnayan sa himpilan ni General EMILIO AGUINALDO ay  naganap sa pamamagitan nina DOMINGGO YRAOLA pinunong tagapagugnay  sa MARIVELES at si RAFAEL EC HEVARRIA ANG KATIWALA at lihim na tagapagugnay niya,

Ang simula ng himagsikan sa MARIVELES ay  itinakda sa MAYO 31, 1898, na ang pinagkasunduang  hudyat ng kilusan ay pagkatapos  ng ika-tatlong pagtugtog ng isang bombo, na nataguriang “Hudyat sa Banaag ng Kalayaan” at ang araw ng simula ng himagsikan ay tinaguriang “Araw ng Kupuhan ”.  ang hinagsikang ito ang pinakamadali hindi madugong labanan, ngunit pinakamatagumpay sa kasaysayan ng Mariveles. At sa kilusang ito ay hindi malilimot ng isang babai na si AGATONA DE LEON, na kilalasa taguring CABESANG TONANG, isang tanyag na tao sa bayang ito, na asawa ni  JULIAN SARREAL ng  Imus, Cavite (minsang nag-Gobernadorcillo), na sa  kanyang malabis na pag-ibig sa lakayaan ng  mga taga Mariveles sa malupit at pagsasamantalang ng mga Kastila at buong tapang na sumugod at sumigaw ng “SALAKAY NG KAPATID”, pagkatapos na marinig ang hudyat na nagsisimula na ang himagsikan.

Ngunit ng magpalit na ang siglo an gating himagsikan ay nauwi sa pakikidigma sa mga Amerikano at ang dalawang may matataas ang tungkulin sa himagsikan na sina MAJOR MANUEL L QUEZON (nagging pangul ng  COMMON WEALTH OF THE PHILIPPINES) AT General ARTEMIO ROCARTE, ay nagtago ditto sa MARIVELES ngunit sa mga taong 1901 at 1904, ukol sa bawat isa.

ANG MARIVELES BAGO  Magkaroon ng Digmaan (WORLD WAR II):

SA UNA PA LAMANG PANANAKOP NG MGA Amerikano nagging tampok agad ang Mariveles ng ilagay ditto ang “QUARANTINE STATION” ng United States Public Health Service, upang mapangalagaan ang kalusugan ng buong Pilipinas, at ditto sa  Mariveles inampon ang labing limang (15) sasakyang dagat na mayroong mahigit na isang libong Ruso na nakatanan ng may hinmagsikan ng may himagsikan sa Russia. Nang ang buong daigdig ay naguumpisa ng maging maligalig sa bayang ito nasasalalay ang ngayon ay nahagag na “WAR ORANGE PLAN III” NI General DOUGLAS MACARTHUR. Ang lahat ng paghahanda sa pakikidigma ay sinimulan ditto kaya ang malakig ospital military, ordinance depot, quarter master, floating dry-deck, , mga gawaing naval, paliparan at marami pang iba ang  ditto ay napalagay. Ang bulubunbdukin ay nagkaroon ng mga lagus-lagusan daan military (Army Trail ) na ang alin mang karatig bayan katulad Limay at bagac  Y maaaring marating sa pamamagitan ng mga daan sa bundok. At sa taun-taon ay mayroon mga pagsasanay sa digmaan na nagaganap ditto sa Mariveles ang ilang batalyon ng mga PIlipine scouts. Dahil sa karamihian ng mga patrabaho ditto sa Mariveles dalawang taon bago magkadigma ang bilang ng naninirahan sa kabayanan lamang ay umabot sa bilang na higit sa labing-anim (16,000) na libo, kaya sa oras ng labasan sa trabaho at pagdating ng gabi ang dami ng tao na naglalakad sa lansangan ay tulad sa Avenida Rizal Maynila.

Ang MARIVELES sa panahon ng Digmaan

Noong panahon ng digmaan ay mayroon marahil na mga limang (15,000) libong sumalubong  Pilipino at Amerikano at mga dalampung (20,000) libong civilian ang nasa bulubundukin ng Mariveles kaya nang bumagsak ang BATAAN  sa kamay ng  _ lahat ng tao ay nakulong ditto, hanggang sa sila ay bigyan ng pahintulot na lisanin ang bayan at ito ang simula ng kabalitaang “DEATH MARCH”.

Kung ano man ang nangyari at nagging kahalagahan ng Mariveles sa nakaraang digmaan ay bahagi na ng kasaysayan ngunit babakasin natin ang isang salita sa radio ng yumaong FRANKLIN DELANO ROOSEVELT na pangulo ng bansang America ng mga panahong iyon. “the Little mountainous peninsula of BATAAN saved democracy and the whole world from the hands of the “Devils” while the brains of military operations were in Corregidor  
 
    MAIKLING SALAYSAY NG SIMBAHAN

    Sangayon sa maraming matatanda dito sa Mariveles, may dumating ditong mga misionariyong nagbinyag sa pang-alan ng Iglesia Filipina Independiente noong 1902. Noong taong 1914, sinimulang itatag ng mga mamamayan ang kaunaunahang simbahan ng mga aglipayano (Iglesia Filipina Indepencliente) at madaling lumaganap, bilang paghahayag damdamin na ipagpatuloy ang pakikilaban na maging tunay na Pilipino ang uri ng pananampalataya.

    Ang unang mga taga Mariveles na nagsumikap at nagtaguyod na umunlad ang Iglesia Filipina Independiente dito ay ang di malilimot na mga rebulu-siyonariong nanguna sa himagsikan noong 1898 (copo de Mariveles) laban sa mga Kastila, tulad nina Agatona de Leon Sarreal (Kabisang Tanang), Domingo Yraola, Rafael Echevarria, Severino Palma, Adriano Balan, Francisco Mendoza, na ipinagpatuloy nina Francisco Yraola, Melchor at Esteban Gonzales, Wenceslao Geraldez, Fidel Gonzales, Agripino Samson, mga Rodrigues at marami pang ibang sumunod. Ang pagsisikap at kabayanihan nila ay di nabigo pagkat bago sumiklab ang pangalawang digmaang pandaigdig, ang lahat halos ng taga Mariveles ay binyagan at kasapi sa ating simbahang sarile (Iglesia Filipino Independiente).

    Noong taong 1946, mula sa abo ng digmaan, ay itinayong muli ang simbahang ito na isa lamang maliit subalit masinop na bahay dalanginan. Ang bawat miembro ay nagukol ng kusang loob na abuloy at nagtulong-tulong upang maibalik at muling mapaunlad ang simbahan at kilusan. Isa sa naging pangulo na nagukol ng panahon at hirap sa muling pagkakatayo ng simbahan noong makaraan ang digmaan (1947) ay ang namatay na Kapatid na Raymundo Cardinio. Napakasakit din ang ibang naging pangulo, tulad nina Gregorio de Leon, Francisco Octavio, Jose Enriquez, Guillermo deLeon at iba pa upang lalong umunlad ang simbahan.

    Taon 1963 sa sipag at tiaga ni Rev.Fr. Silvestre Ibarra, (distinong pari dito) ay sinimulang kumpanya upang baguhin ang ayos ng simbahan. Sa pamamagitan ng lakas ng loob at masidlhing pagnanasang matupad ang balak, sa pamumuno ni Kapatid na Bayani Yraola, Sr., isa sa pinakamatapat at pinakamasugid na Aglipayano, na pangulo ng LAYMAN’S COMMITTEE dito ay itinayo ang bago, matibay, at mas malaking simbahan Filipino (IFT) sa dati ring lugar.

Nagkaroon ng higit na sigla ang mga Aglipayano dito ng ita tag ni Rev. Fr. Eaymundo Rivera  (nakatalagang Pari dito) ang aktibong WOMAN'S AUXILIARY (binansagan naming SANDIGANG (KABABAIHAN) sa pangungulo ni kapatid na Adela C. Liloc, na nagsikap na ipagawa ang malaking pintuang bakal sa harap at -sinimulang palatagan ng mapuputing ba"ldosa ang loob ng simbahan. Ang YOUTH ORGANIZATION ay nagsikap din na ipagawa ang pader o bakod ng plaza bilang pagsasaayos at pagpapagancla, na pinanguluhan ni Bb. Violeta Yraola, at nitong huli ay ipinagpatuloy ni Bb. Jesusa Mendoza, humaliling pangulo. Ang LAYMAN'S COMMITTEE, na pinanguluhan ni kapaticl na Bayani Yraola, Sr. ay wala ring humpay sa pagsasaayos ng maraming bagay sa loob at labas ng simbahan.

    Ito na marahil ang una -sa kasaysayan ng mga simbahang Pilipino sa lalawigan ng

    Bataan, na babasbasan ng pinakamataas na puno ng Iglesia Filipina Inclepencliente, kagalang-galang Obispo Maximo Macario Ga. Ito ay bunga ng pagpapakasakit ng mga Aglipayano dito, mga kababayang may maunawaing kalooban, at ng maraming mga kapatid sa ibang lugar tulad ni Dr. Alex B. Gonzales, na walang hanggan ang pagdamay bagamat nasa bansang Amerika siya.

    Sa kasalukuyan at sa hinaharap, ang mga Aglipayano ay taas noong makikitunggali sa maraming -suliraning kakaharapin sa pamamagitan ng matapat na pananalig na walang katulad ng kapangyarihan ng ating Poong Jesucristo; sa walang pasubaling pakikiramay ng  

    lahat at bawat isang Aglipayano; sa matiagang pagsubaybay ng ating mabait na Kura-Paruko at pagtangkilik at pagbibigay insperasyon ng mataas na pamunuan ng Iglesia Filipina Independiente. Ito ang palatanclaan ng matigas at matibay na buklod na mananaatiling tunay ang pagka-Pilipino sa diwa at pananampalataya.

        Sinaliksik at tinipon ni:

Ex-Mun. Consehal ENRIQUE VICTORIA LILOC Layman's Committee, Mariveles, Bataan December 30, 1972  
 
      WOMAN'S AUXILIARY OFFICERS 1972-1973

        (SANDIGANG KABABAIHAN)

      Pangulo m_._nmn  m __ m_nn_m_m  h  m ADELA C. LILOC

      Pang. Pangulo mnnm  m_nm  CEFERIN A E. SANTIAGO

      Kalihirn  dn  m __ h_nn  mnn LORENZA D. TEJ ADILLA

      Inga t- Y aman nn  mmn  n __ n  m_n_ APOLONIA DE LEON

            Tagapayo m __ mn_mnn __ Rev. Fr. R. RIVERA; C. DE LEON; D. RUBIA; S. CASTILLO

      Taga-Suri  h_nm __ nm  m_m  EFIP ANIA MENDOZA

      Tagapagugnay n  m __ n_m_m  mnm  w LYDIA CARDINIO

      Tagaugnay ___PRUDENCIA YRAOLA  2. LUNINGNING YRAOLA

        (MGA KAGAW AD SA BA W AT PUROK)

      RIVERSIDE  NAGLUPA  PALIPARAN

      Liwayway Zurita  Ester Itoses  Zuela Quiniones

      Perpectua Perez  Canota Gonzales  Eugenia Tampis

      Juana Villaflores  Matilde Samson  Rebecca dela Cruz

      Rosita Roco  Loreta Castillo  Romana Hernandez  

          SAN CARLOS

      VILLAGE  BONIFACIO  

LAKANDULA Felicidad Ramos  Florentina Cardinio

Francisca Perez Eulalia del Rosario  Soledad Sioson

Consolacion Viloso Emiliana Aguilar  Arcadia Enriquez

Martha Raz

Adela Arrieta

Florenci a Ramirez Luz Fulgencio  Florentina C. Yraola

Antonina Yraola Narcisa Insigne  Virginia C. Alejandro

            Antonieta Constantino 

MARIVELES PHILIPPINE INDEPENDENT CHURCH YOUTH ORGANIZATION

          OFFICERS 1972-1973

President nn_nn    hm  Miss JES USA MENDOZA

Vice-President n   n  m  m  nm_ Mr. RENA TO GONZALES

Secretary m  h   nm_nm_m  m Miss AMELIA J ALOS

Treasurer nn  m_nm   n  n Miss EVELYN RUBIA

Auditor _nn_m  m __ nm    Mi·ss SOLEDAD YRAOLA

PHO  n  m   m  n Mr. MAGITING ROZALES

Business Manager  m  mh  m  nm_mu  Mr. A. LLIOC

Advisers __ n  n  n  munn Dr. LAMBERTO YRAOLA

                Miss MIGUEL Z'UILAN

Greetings From:

FARMACIA CONCEPCION

Lakandula, Mariveles, Bataan  ~

Miss Remedios Concepcion-Proprietress 

      LA YMAN'S COMMITTEE OFFICERS 1972-1973

      Pangulo ----------------------------------- G. BAYANI M. YRAOLA

      Pang. Pangulo --------------------------- G. ALFONSO RUBIA

      Kalihim -------------------------------- G. ANICETa ROSALES

            Ingat Yaman --------------------------Gng. AUREA 1. DE LEaN

            Gng. LUZ S. FULGENClO

      Taga-Suri .--------------------------- G. MAGTANGGOL M. YRAOLA

      Kapitan sa Kaayusan -------------- G. DALMAClO MARIS

G. ESTEBAN CARDINlO

PROs----------------------Dr. LAMBERTO M. YRAOLA

Counc.. MANUEL MENDOZA

      Business Managers ------------------ Ex. Coune. ENRIQUE LILOC

              G. OLIMPIO CARDINIO

    LUPON NG MGA KAGAWAD (BOARD OF DIRECTORS)

G. Ignacio Castillo  G. Clamente Rubia   G. Victorino Ramos

G. Bartolome Torres  G. arlando Catarroja  G. Amado Dimafilis

      G. Domingo Gunio  G. Ildefonso Samson  G. Simforoso Cardinio

      G.  Jose Pacia  G. Antonio Ocampo   G. Emilio de Leon

    G. Victoriano Jacobe  G. Rufino Perez

      OFFICIALES EX-OFFFICIO AT TAGA PAYO

      Naging Pangulo - (IFI) ---------------G. GREGORIa DE LEON

      Naging Pangulo - (IFI) ------------------  G. JOSE ENRIQUEZ

    Naging Pangulo - (IFI) -------------------- G. GUILLERMO. DE LEaN

MAKAILING KASAYSAYAN NG SIMBAHAN AGLIPAYANO

(IFI) SA BAYAN NG MARIVELES, BATAAN (Aug. 6, 2000)

PANIMULANG PANGUNGUSAP:

  1. Ang maikling kasaysayang ito ng simbahan ng mga Aglipayano (IFI) sa bayan ng Mariveles, Bataan ay matagal na panahon na sinaliksik. Matapos na tipunin at pagugnay-ugnayin, ay sinimulang paputol-putol na isinulat simula noong 1972, bago pa ganapin ang kauna-unhang komperensya ng mga paring Aglipayano sa loob ng simbahan Enero 5, 1981.

    Ang kasaysayangito ay ibinigay sa mga salaysay ng mga matatandang Aglipayano gayundin ng ilang matatandang Katoloko Romano tulad nina Ka Pepe Canoy at Mama Oyo de Guzma. Ang mga matatndang ito ang nakasaksi sa mga kaganapan noongkanilang kapanahunan.

    Hinihiling ko sa aking mga kapatid sa Iglesiang ito na matamang unawain at bigyan ng kaukulang pagpapahalaga ang halos habang ng kaukulang pagpapahalaga ang halos habang buhay na pagsisikap na inukol na ating mga ninuno sa pagtataguyod para sa kapakanan n gating simbahan at uri ngpananampalataya sa kabuuan. 
     
    UNANG BAHAGI:

    ANG PAGHIWALAY AT PAGSASARIILI NGMGA PILIPINO MULA SA IGLESIA KATOLITKO ROMANO.

    Noong taong 1902 ipinahayag ni Don isabelo delos Reyes ang paghiwalay at pagsasarile o pagsasa_Pilipino ng pananampalataya mula simbahang KATOLIKO ROMANO. Si Gregorio Aglipay na siyang Vicario Heneral Emilio Aguinaldo ang siyang itinalagang Obispo Maximo ng bagong pananampalayang tinawag nilang IGLESIA FILIPINA INDEPENDIENTE.

    1904 o dalawang taong matapos angpagpapahayag na ito, nagtayo ng maliit na kapilya at nagsimulang magdaos ng pagmimisa. Ang kapilya ay itinayo sa isang pook na kung tawagin ay Sitio Samanto malapit sa Pook na Kinaroroonan ng Balong Anito. 

    Ang mga misyonaryong ito ay nagsimula rin ng pagpapakilala ng kanilang relihiyon kaalinsabay ng pagakit at pagpapalaganap ng ebanghelio ng Panginoon. Ipinakilala rin nila ang itinataguyod na rehiliyon sa pangalang AGLIPAYANO.

    Sa panahong iyon ay walang paring Kastila na sa bayang ito kaya ang lumang simbahang katoliko Romano ay hindi magamit at ang isa pa ay sira-sira ito. Sa kapiltang itinayo sa Sitio Samento nagsisimba ang mamamayan: ang isa umanong batang bininyagan sa Kapilya ng Aglipayaning ito ay si AUREA DE LEON na ina ni Doray Itoso conception. Ito ay si Aurea ay anak ng magasawang Eustacio de leon at Angela Baldonado. (Si aurea ay kapatid naman nina Grourip at Asuncion)

    Sa panahong iyon sariwa pa sa ala-ala ng mga matatanda natin ang dinanas nila at mga magulang nia sa ginawang pahirap, pagaalipin, pagdusa sa dangal nila lalo na sa kababaihan sa kamay ng mga paring Katila, walang atubiling umanib sila sa maka-Pilipinong pananampalatayang ito.

    Ang mga unang nagtaguyod sa relihiyong ito ay mga pamilya na bayani na CODO DE MARIVELES noong 1898 na sina Agatona de Leon ( ina ng magkapatid na Melchor at Estaban Gonzales at ina rin ng magkakapatid na Jose Sarreal Sr.), sina Domingo Yraola, Rafael Echevarria, Severino palma, Adriano Balan, Adriano Balan, Francisco Mendoza at iba pa. Ipninagpatuloy naman ito nina Francisco Yraola, Melchor at Esteban Gonzales Agripino Samson, Sebastian at Semeon Rodriguez, Zapanta lamayra , Pamilya Jacoe, matandang Macatual, Pamilya Versozsa, pamilya Ramirez, Marcelo Gallardo at marami pang iba.

    Nakaraan muna ang ilang taon bago nakapagtayo ng using maliit na simbahan Aglipayano sa pook na kinatatayuan ngayonng ating simbahn. Ito’y sa pook na kinatatayuan ngayon n gating simbahan. Itoy sa kagandahang loob ni Valeriano ay anak ni Francisco Hindi nabigo ang pagsisikap ng mga naunang nagtaguyod sa Iglesiang ito. Matagal pa bago sumiklab ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig (WWII), ang lalong maraming mamamayan sa Mariveles ay binigyan at tagapagtaguyod ng simbahang Aglipayano.

(mga tanong at kasagutan)

IKALAWANG BAHAGI:

NATUPOK NA SIMBAHAN AT MULING PAGBANGON NITO MULA SA LABI NG DIGMAAN (WW-II)

Noong bagsakan ng bomba ng eroplano ng Hapones an gating simbahan, Hindi agad ito naitayong muli pagkat hindi pinahintulutan ng hakbang ang Hapones ang muling pagbabalik ng taga Mariveles, ang buong kabayanan ay ginawa nilang pangunahing himpilan ditto sa lalawigan ng Bataan. Ang mga taga Mariveles, noong 1946 mula sa abo ay muling nakapagtayo ng isang maliit na bahay dalanginan. Ang lahat ng mga miembro ay naghandog ng makakayang tulong. Ang mga pamilyang di dapat malimot na matiyagang nangagnalaga noon sa kalinisanat kaayusan ng simbahan ay pamilya nina Sixta Zuclan, Gregoria Soriano, Jacobe, Rubia, at iba pa pagkat malapit lamang sa simbahan ang kanilang mga tauhan.

Ang isa namang nagukol din ng tulong sa muling pagtatayo ng unang gusali ng simbahan matapos ang digmaan, at nagmaestro, namahala sa trabaho ay ang kapatid na Raymundo Cardinio, na nagging pangulo rin ng simbahan. Ang mga sumusunod na namuno sa simbahn ay si Enriquez, Guillermi de Leon, Byani Yraola sr. at iba pa.Ng madestinong pari ditto so Rev. Bayani Yraola Sr. Ibarra noong 1963, sa kanayang walang humpay na kampanya, ay muling binago at ginawang mas malaki ang simbahan.

Si kapatid na Bayani Yraola Sr. na noon ay pangulo ng Parish Council, ang puspusang nangasiwa sa tulong ng parish Council, ang puspusang nagasiwa sa tulong iba pang kapatiran upang maisaayos ang kayarian ng bagong simbahan. Nagkariin ng lalo pang kasiyaahan ang kapatiran sa kayarian ng simbahan subalit nanatiling hindi pa rin marami ang nagsisimba sa karaniwang araw ng pafsisimba. (iyan ay nagging ugali,noon ng marai sa araw ng mga Aglipayano dito)

IKATLONG BAHAGI:

Ang pagtatatag ng tatlong oregano o samahan sa parkya ng mariveles

Nang magsimulang maging Kura Paroko ditto si rev. Fr. Paymundo Rivera,isang masipag at maunawaing pari itinatag niya ang samahang Layman’s Committee ay si Bayani Yraola Sr., sa Women’s Auxiliary ay si Adla Liloc, sa Youth Organizationay si Violata Yraola. Taon-taon ay naghahalal ng bagong pamunuan ng tallong ismbahan. Sa tulong ng ibat’ibang pamunuan ay naghandog ng abuloy sina Dr. Alex Gonzales at Enriquetta Enriquez na kapwa nasa Ibang bansa.

Sa paglipas ng maraming taon ay walang gaanongpagbabago sa simbahan.ibat-ibang pari ang nadestino ditto. Ang ilam ay hindi nagtagal at pinalitan dahilan sa may problema, lalo na sa kakitan ng tinatanggap na sutento ng pari. 

IKAAPAT NA BAHAGI:

IKA-77 TAONG PAGKAKATATAG NG SIMBAHANG AGLIPAYANO (IFI) SA BAYAN NG MARIVELES.(1981).

  1. Noong 1981 sa panahong Kura Paroko dito si Rev. Raymundo Rivera, isang masipag at maunawaing parina ginanap sa loob ng bago pa lamang kayayaring simbahan. Nagsimula ang komperensya alas 10:00 ng umaga at natapos alas 2:00 bng hapon.

    Ang mga nagsudalo sa komprehensya ay sina:

    1. Obispo Adminador Fideres
    2. Mons. Manuel Santos
    3. Rev. Fr. Matanggol Velasco
    4. Rev. Fr. Ricardo Ramos
    5. Rev. Fr. Victoriano Sanchez
    6. Rev. Fr. Samuel Galutera
  1. Ang komperensya ay itinaon sa pagdiriwang ng ika 77 taong pagkakatatag ng Aglipayano (IFI) sa bayan ng Mariveles. Ang okasyon ay ginaganap sa isang gusali sa Mariveles Mental Hospital, sa kagandahang kapatid na Dr. Lamberto Yraola na siyang director ng hospital. May mahigit na isang daan at limampung kasapi ang dumalo(babay sat ala sa attendance with signature)
  1. MGA CHOIR NG SIMNAHAN: matagal pa bago ang huling digmaan (WW-II) ang ang uri ng misa natin ay tinawag nilang MISA KANTADA, hindi tulad ngayon na pasalit-salit lamang ang kanta sa kahabaan ng pagmimisa. Ang MISA KANTADA  ay sinasaliwan ng banda ng musiko. Ang mahabang pagsasalita lamang pari ay ang pagsesermon. Makaraan ang digmaan, ay unti-unting nawala ang MISA KANTADA dahil nawawala na rin ang mga sumasaliw na musiko.

    Ang nagsimulang pari ditto si rev. Fr. Magtanggol Velasco, nagsimulang   rin na kantahin sa kuro ang mga kantang kinatha ni Rev. fr. Samuel Balutera ng Samat tulad ng AMA NAMIN, KORDERO NG DIYOS, SI HESUS AY NAMATAY DADAKILAIN KA NAMIN at iba pa. simula noon hinimok ako ( Ka ikang ) na gumawa ng mga kantahing simbahan para sa ating simbahan at para sa iba’t ibang okasyon sa simbahn. Ang nalikha na ay may anim-na-pung kantahin na pawing tagalong.

    IKA-LIMANG BAHAGI:

    AMBISYOSONG LALONG PAGPALAKI NG SIMBAHAN

    1. Noong panahig nagging Kura Paroko ditto so Rev, Fr. Joel Perlares dumaan ditto sa Mariveles ang isang malakas na bagyo na inilipad ang bubong ng ating simbahan. Pansamantlang nilagyan ng mababang bubong ang simbahan upang makapagsimba an gating mgakapatid. Sa pagkakataong ito ay hinangad ni Fr. Porlares na muling buuin ang nasirang simbahan subalit gagawing malaki sa dati. Nang mangyari ang plano ng ipapatayong bagong simbahan at makalikom ng sabat na pondong pansimula, ay sinimulang ilagay ang pondasyon ng pader. Dahilan sa kakapusan ng kailangan pondo may  mga dalawang taon din na hindi maitaas ang baal na balangkas ng bkaya nanatili itong mababa ang bubong na kung malakas ang ulan ay tumutulo. Ang kalagayang iyon ng simbahan ay dinatnan ni Rev. Fr, Sonny Tolentino. Patuloy parin ang pagsisikap ng pamunuan sa pangunguna nina kapatid na NIngning Flores at mga kasama upang makalikom ng kakailanganing pondo upang maipagpatuloy ang natigil na Gawain sa simbahan.

      Sa pagsisimula ng bagong natalagang mga opisyales ng Layman’s Committee, na Pangulo si Kapatid na Amado Castillo, Pang. Pangulo si kapatid na Dante Ninon, sa kalihim si kapatid na Enrique Liloc at iba pang opisyales, nagging pangunahing plano ang himukin ang may kakayahang mga kapatid  ng kusang loon na abuloy na pora o materyales. Pinangunahan ni Kapatid na Ikang Liloc ang abuloy na halagang tatlong libong piso (P3,000.00), sinundan ng yero at ang karamihan ay isa o dalawang yero. Ang isa sa malako ang naitulong ay si Kapatid na Engr. Tarriela. Siya ang umako sa halos lahat ng trabaho mila pagtataas ng balangkas ng bubong na bakal at ang pagkakabit ng bubong na yero.ang pamilya Yraola ay hindi nagpabaya sa pangako sa paggawa sa ibang bahagi ng simbahan.

      DAGDAG NA SALAYSAY:

    1. Magandang dahilan ng pagmimisyon ng Aglipayano sa Mariveles:

      May palagay ako na ang kauna-unahang kapilya o simbahang Aglipayano o IFI ditto sa lalawigan ng Bataan kundi man sa buong dioces ng Bataan-Bulacan, ay nagsimula sa bayan ng mariveles. Kung bakit at paano iyon naganap, ganito marahil ang pangyayari batay sa mga iyon naganap, ganito marahil ang pangyayari batay sa mga naganap noong huling yugto ng himagsikan sa atingbansa ditto man sa ating bayan:

        1. Maraming ulit na naganap ang tinatawag na Aisamiento o paghihimagsik ditto sa Marivels na ang nagsipamuno ay buhat sa Cavite:
        2. Sina Dominggo Yraola at Rafael Echevaria na amisaryo ng Katipuneros na nasa Mariveles ay nakikipag ugnayan sa tanggapan ni Obispo Gregorio Aglipay
        3. Bantog ang COPO DE MARIVELES  noong panahon sa Cavite na pinangunahan ng taga Cavite at ilang saglit lamang na lakbayin ang Cavite-Mariveles upang simulang palaganapin ang bagong tatag na Iglesya, bayan makalipas ang dalawang taon ng proklamasyon 1904, sinimulan na ang pagpapalaganap  ditto sa mariveles.
    1. KONSAGRASYON NG SIMBAHAN:

      Ipninalalagay na sa mga parokya sa Bataan, ang parokya ng IFI sa Mariveles ang may ganitong uri ng kasaysayan ng pagtakkatatag, at ang simbahan. Pa lamang na ito sa Bataan ang unang nakonsaho ng Obispo Maximo sa panahon ni Obispo Maximo GA_ ng mayari ang simbahan sa paanahon ni Rev. Ibarra.

      Makaraang mayari ang buong bubong ay patuloy pa rin ang paggawa hanggang mayari ang kumbento at ang buong altar sa pagsisikap din naman ng kapatid na Liwanag Resujento na natalagang Vic Chairman ng Parish Council. Kung ating tatantyahin ang kasalukuyang kayarian ng simbahan na humit kumulang ay nasa 60% pa lamang. Ang panglabas na bahagi at kisami ay malaki pa ang kakailanganing pondo.

      Simula taong 2000, nagsimula ang pagpapari ditto ni Rev. Fr. Jojit Sayas bilang kahalili ni Rev. Fr. Sonny Tolentino subalit napapansin na maraming pagkakataon na waring malungkot siya dahil sa iba’t ibang problema na kaharap niya. Isa na marahil ditto ang kawalang koordinasyon ng iba’t ibang pamunuan ng simbahan, na madalas nating marinig na iyan yeta ang ugali ng mga Aglipayano, Parang hindi husto angunawaan, na madalas pati na ang pari ay naapektuhan.

      Inaasahan na sa pamamagitan ng Kura paruko na si Rev. Fr. Sayas, ay mayroon ng isang sistema ng reporma upang ang buong kalipunan ng kapatirang Aglipayano ay magkaroon ng tunay ng paguunawaan o iyong tinatawag na “harmony.”

      Pansamantalang natapos na pangungusap:

      Hinihiling ko sa makababasa o narinig sa mga isinulat na maikling kasaysayang ito ng simbahang Aglipayano (IFI) ng Mariveles, na kung kulang o labis sa palagay ninyo, tulungan ninyo akong iwasto ito. Ang pagsulat ng ganitong uri ng kasaysayan ay walang katapusan. Lagi itong naghihintay ng karugtong hanggang ang iglesiyang ito (IFI) ay nananatiling at hindi mabubuwag. Kung mayroon tayong alam na nararapat idadag ditto, huwag kayong magatubiling ipabatid idagdag sa mga kinauukulan.

      Marami ,pong Salamat

      Inyong kapatid- ka Ikeng Liloc

      Tanong: bakit nang matapos ang digmaan, unti-unting tumiwalag ang pamilya ng mga nagtaguyod sa simbahang ito?

      Posibleng Kasagutan: Maaaring may malaking pagkukulang at pagbababaya ang pamunuang nasyunal upang lubusang maiwasto ang kamulatan ng kasapian ng simabahan sa dapat na gampanan lalo na ang obligasyon mo para sa kapakanan ng Iglesiyang ito; marami pang ibang saliksilinsa mga bagay na ito.

      Lumambot ang panindigan ng maraming Aglipayano ng ilunsad ng mga Romanista ang “Kursilyo” sa pamamagitan ng kaparanang “Manionita” o pagbabara sa mga prospect. Angisa sa grupong may mahinang paninindigan sa Iglesiya ay ang mga kasapi Aglipayano.

      MGA PARI NG IFI NA NADIDDINO S PAROKYA NG MARIVELES BATAAN SIMULA BAGO ANG WW-II

      Paunawa: ng isulat ang talaang ito ay patay na ang mga matatandang Aglipayano na nakababatid ng mga ParingAglipayanong nadistino o nagmimisa sa bayang ito. Ang ilan sa mga naaala-ala angmga sumusunod:

      1. Simula dakong 1930, taon taon, tuwing kaarawan ni San Nicolas de Tolentino Sept. 10, ay lagging kumbidado si Rev. fr. Segundo, kur paroko ng IFi sa Maragundon, Cavite. Kung minsan ay si Rev. Fr. Umali, pari din sa lalawigan ng Cavite.
      2. Makaraan ang WW-II dakong taong 1946, ang mga nag-ala-alang mga paring destino ay sina Rev. Fr.:
      1. Carlos
      1. Cuelto
      2. Intal
      3. Benjamin
      4. Sicap
      5. Tayco
      6. Rmos
      7. Ibarra
      8. Rivera
      9. Cambosano
      10. Fernando
      11. Sanchez
      12. Velasco-Rev. Enriquez
      13. Porlares
      14. Tolentino
      15. Sayas
      16. Ricardo
      17. Silvestre
      18. Raymundo
      19. Victoriano
      20. Magtanggol
      21. Joel
      22. Sonny
      23. Jojit

        Ang mga naunang pari ay pansamantala lamang kaya halos ay isa o dalawang taon ay pinalitan ang isa sa mga dahilan marahil ay sa kaliitan ng naibibigay na sueldo sa kanila (Please delete ang kaliitan ng sweldo the real reason is the five year rotation and or some other reasons.

        Women’s Auxiliary:  Nahalal: Mar. 7, 1987

        Pangulo---------------------Socea Ramos

        P.Panulo----------------------Violeta Veles

        Kalihim------------------------Myrna Cardinio

        Ingat Yaman-----------------Betty Rubia

        Auditor------------------------Adela Liloc

        Pro----------------------------Aurea Mangalindan

                                 Floricita Camello

                                Apolonia de Leon

        Bui Manager----------------Carmelita (Nene) Almonte 

        YOUTH ORGANIZATION:   Nahalal: Mar. 10, 1982

        Pangulo -------------------  Adorito Espiritu

        P.Pangulo--------------------Leopoldo Liloc

        Kalihim------------------------Emma Samson

        Ingat Yaman-----------------Dina Santiago

        Taga suri--------------------Alicia Torres

              -----------------------Raquel Lamayra

              -----------------------Rex Soriano

        Bui manager-------------- Ganap Soriano

        PARI NG PAROKYA:

        Rev. Fr, Magtanggol Velasco

        Obispo ng Dioces:

        Bishop Adminador Fideres

        MGA PAMUNUAN NG APAT NA ORGANNG IFI MARIVELES, DATAAN

        EIS COUNCIL:

              Pangulo--------------antonio Zurita

              Pang. Panulo-------Rosauro Liloc

              Kalihim--------------Cipariana Santiago

              Ingat-yaman-------olimpio Cardinio jr.

              Taga-suri-----------Melissa de leon

                                 Mely Castollo

                                 Carmela Mariano

              Bui Manager------Ester Itosis

Layman’s Committee:     nahalal 6, 1982

            Chairman------------------------------Dante Ninon

            V.Chairman---------------------------Eduardo Liloc

            Kalihim---------------------------------Olimpio Cardinio Sr.

            Ingat-yaman-------------------------bayani Yraola jr. 

            Taga suri-----------------------------Ricardo de Dios

            Pro-------------------------------------Bayani Soriano

                                           Ignacio Castillo

            Bui Manager---------------------Guillermo de Leon

(mga suplementaryo o karagdagan)

Jan. 8, 1981- nagkaroong ng komperensya ang mga paring Aglipayano na ginanap sa loob ng simbahan ng Marivelles

Maga Nagsidalo:

  1. Obispo Adminador Foderes
  2. Rev. Fr. Magtanggol Velsco
  3. Rev Fr. Ricardo Ramos
  4. Rev. Fr. Victorino Sanchez
  5. Mons. Manuel Santos
  6. Rev. Fr. Samuel Galutera

    Nagsimula alas 10:00 ng umaga, natapos alas 2: 00 ng hapon.

2) Ginanap na pagdiriwang ng ika 77 taong pagkakatatag ng IFI sa bayan ng Mariveles, 1981.

    (may tala ng pangalan ng mga nagsidalo sat ala ay may bilang na nabanggit 171, kasama ang kanilang mga lagda.) 